SINAGOT ni Kris Aquino ang tanong tungkol sa tunay na estado ng friendship nila ni Boy Abunda.

Kris copy

“To satisfy your curiosity, I believe we’ll always care about each other but we are no longer active participants in each other’s lives,” sagot ni Kris sa netizen na nag-usisa tungkol sa dating malapit niyang kaibigan.

Marami sa followers ni Kris ang nalungkot sa naging sagot niya tungkol sa friendship nila ni Boy. Sabi ng ibang followers, sana manumbalik ang closeness nila ng dating co-host at mabuting kaibigan.

Tsika at Intriga

Luis, isa sa pinaka-qualified na artistang tumakbo, tumatakbo sey ni Jessy

Nabanggit na rin na nangako sina Boy at Kris na hindi nila pag-uusapan ang nangyari sa relasyon o friendship nila. Nalaman lang ang tungkol dito dahil sinabi ng magkapatid na Nicko Falcis at Atty. Jesus Falcis.

Samantala, kanya-kanyang hula ang supporters ni Kris sa nabanggit niyang may hinihintay siya. May humulang in love siya, may nanghula namang baka pelikula o TV show ang kanyang sinasabi. Pero dahil hindi sinagot ni Kris ang mga tanong, mananatiling pahulaan ang tungkol doon, hanggang walang sinasabi si Kris.

Anyway, maganda naman ang naging sagot ni Kris sa nag-comment na kapag naoospital siya ay naiiyak ito. Dahil kahit daw kasi may sakit na si Kris ay inaalala pa rin nito ang mga anak.

“Don’t worry, Bimb is super STRONG. He’s my rock. Marami siyang nakita, naranasan, nalagpasan na nagpatibay sa kanya... And kuya (Joshua) has his solid support system, he has my siblings.”

Sa nabanggit ni Kris na strong support system ni Josh ang mga kapatid niya (Kris), mali ang ipinakalat ng bashers ni Kris na hindi maganda ang relasyon niya sa mga kapatid.

Malapit na pala ang birthday ni Kris at nang tanungin ng mga reporter kung ano ang material thing na birthday gift niya sa sarili, “wala” ang sagot ni Kris. Mahal daw kasi ang pagpapagamot niya sa Singapore.

Sa April, babalik siya for follow-up medical evaluation at kahit sabihing may medical insurance siya, mahal pa rin ang nagagastos niya sa buong trip. Bukod kasi sa airfare, naka-billet sila sa hotel ng kanyang mga kasama at marami pang ibang gastos.

-NITZ MIRALLES