PINAPANOOD sa media ang advance screening ng Dreamscape Digital’s latest digital series na Project: February 14 sa Dolphy Theater last February 6, starring McCoy de Leon at Jane Oineza, and directed by Jason Paul Laxamana.

McCoy at Jane copy

Maraming intimate at daring sex scenes ang in-execute nina Jane at McCoy in this six-part digiserye. Nagkaroon din ng sex scenes si Jane with nude JC Santos.

Jane (who plays Annie) and McCoy (who plays Brix) consider Project: February 14 as their most daring project to date.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa Q&A portion held after screening, naitanong kina Jane at McCoy ang tungkol sa kanilang ginawang daring scenes. Nakaramdam ba sila ng pagkailang sa isa’t isa while doing intimate scenes?

Sinabi ni Jane na dati na siyang gumawa ng daring scenes sa seryeng Araw Gabi.

“First time namin magsama ni McCoy sa isang project, first time namin mag-pair. Nagtiwala lang ako kay McCoy at masuwerte rin ako dahil ‘yung nakasama ko sa ganitong project na sobrang daring, masuwerte ako na gentleman. Mabait si McCoy, and inaalalayan niya rin ako sa mga ganung eksena,” paliwanag ni Jane.

Sabi naman ni McCoy, nahirapan siyang i-emote ang daring at sexy scenes nila ni Jane. Aniya pa, he reached a point when he got distracted and lost his focus.

“’Yun po ‘yung mahirap nga din ‘pag merong mga sexy na scene, kunwari ‘yung panty niya, tumataas, tapos binababa ko. Nawawala ako sa character ko. Kasi si Brix, ‘di naman siya ganun, bara-bara siya.

“Tapos ‘yung kay Jane naman, bilang napapanood ko na siya, napakagaling na niya. Kaya sabi ko, baka siya magdala sa akin.

“Pero ang nangyari, walang naging rules, go with the flow lang. Kung ano ‘yung ibigay, kung ano ‘yung babawasan, kung ano ‘yung sobra, tulungan lang kami kaya naging maganda at magaan. Walang ilangan,” sabi ni McCoy.

During the pitching stage, Direk Jason already informed the actors that there would be daring scenes in this online series.

Bago tinanggap ang series, alam na ni Jane that she had to do sensitive scenes, including a shower scene.

“Kinabahan ako siyempre, maraming mga eksena na, ‘Hala, paano gagawin?’,” kuwento ni Jane.

“Kasi ‘pag binasa mo sa script, ganito ‘yung description. Inisip ko, paano ie-execute sa camera, kailangan ba talaga nakahubad? Pero inalagaan ako ni Direk Jason at saka sa amin naman, open ako sa mga ganung roles, sa mga mas nakakapag-experiment ako, mga daring, ganyan. Masaya ako sa mga ganun, challenging.”

Bilang happy-go-lucky sa programang It’s Showtime, nabigla raw si McCoy sa mga daring scenes niya dahil first time niyang mag-topless and do sex scenes.

“Simula nga po nang tinanggap namin (ang project), limitations namin, sobrang wala na. Purpose namin, magpa-aware sa mga tao and ‘yung mismong istorya, maipakita na puwede mangyari.

“So ‘yung mga ganung bagay, ‘di ako nagdi-dinner break, tapos pinaghahandaan. Nag-exercise talaga ako, nag-gym.

“Pero bahala na, kumbaga nandito na ako, nakapag-commit ako, kailangan ko gawin trabaho ko.”

May butt exposure sa movie si JC. Maaasahan din bang gagawin ito ni McCoy sa kanyang future projects?

Nangingiting sagot ni McCoy: “Sa akin naman, passion ko sa acting, sobrang lalim na po. Pero sa time ko ngayon, ‘di po muna siguro. Pero may time, ‘di ko masabi kasi hindi naman talaga natin alam ano puwedeng mangyari. Pero willing naman lahat ng aktor na malalalim na gumawa ng ganong bagay.”

Dahil sa ilang maseselang issues na involved sa psycho-thriller series na Project: February 14, hindi lang ang sex scenes kundi maging ang tinutumbok na “suicide awareness” sa kabataan, naglabas ang Dreamscape ng statement sa pagkaka-postpone ng playdate ng pelikula sa iWant digital stream. Dapat ay ngayong Sabado, February 9, na ito mapapanood.

Project 14, an iWant Original series will not stream on Feb. 9 as originally scheduled. iWant re recognizes the sensitivity of the topics tackled in the series, including mental health problems, assault, and abuse, and deems it necessary to implement certain measures to safeguard the advocacy of the series in promoting mental health awareness.

“The new streaming date of Project 14 will be on Saturday, February 16, exclusive on iWant,” saad sa pahayag ng Dreamscape.

-Ador V. Saluta