Tinanggihan ng mga taga-Lanao del Norte na mapasama ang lalawigan sa anim na bayang sasaklawin ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), batay sa naging resulta ng botohan sa plebisito nitong Miyerkules.

Bumoboto ang babae sa plebisito sa Pikit, North Cotabato nitong Miyerkules. KEITH BACONGCO

Bumoboto ang babae sa plebisito sa Pikit, North Cotabato nitong Miyerkules. KEITH BACONGCO

Pero sa kaparehong referendum, inaprubahan ng North Cotabato ang kagustuhann ng 61 barangay nito para mapasama sa BARMM.

Sa isang pahayag, hinimok ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. ang publiko, partikular ang mamamayan ng Lanao del Norte at North Cotabato na irespeto ang naging resulta ng plebisito at makipagtulungan upang tiyaking maayos ang pagpapatupad ng R.A. 11054, o ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bagamat may ilang kaguluhang naitala sa pagitan ng mga sumusuporta at tumututol sa BOL sa Lanao del Norte, sa kabuuan ay naging mapayapa naman ang pagdaraos ng plebisito sa dalawang lalawigan nitong Miyerkules, ayon kay Galvez.

“This is a victory for all of us. Congratulations to all of you for the generally peaceful and orderly conduct (of the poll) in your areas,” mensahe ni Galvez sa mga residente ng dalawang probinsiya. “Let us whole-heartedly accept it (resulta ng plebisito) and move on. The recent political exercise may have strained some relationships but we believe this is something we can mend peacefully.”

Naratipikahan na ang BOL sa naunang plebisito sa Cotabato City nitong Enero 21 nang manalo ang “yes” votes laban sa “no”.

Alinsunod sa BOL, itatatag ang BARMM kapalit ng ilang dekada nang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ali G. Macabalang