May ilang liquid items na pinapayagan bitbitin ng mga pasahero sa pagsakay sa MRT.

MRT (MB, file)

MRT (MB, file)

Ito ang nilinaw ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 makaraang ulanin ng reklamo ang pagbabawal sa mga liquid items sa MRT at maging sa Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2.

Ayon sa DOTr, ilang liquid items ang pinapayagang dalhin ng pasahero sa loob ng tren at istasyon “upon validation and approval of security personnel, and police officers in stations”.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang sa mga ito ang baby formula o breast milk na nasa bote (kung ang pasahero ay may kasamang sanggol o bata); inuming tubig para sa sanggol o bata; lahat ng prescription at over-the-counter medications; tubig, juice o liquid nutrition o gels para sa mga pasaherong may kapansanan o may sakit; life-support at life-sustaining liquids, gaya ng bone marrow, blood products, at transplant organs.

Pinapayagan din ang liquid items para sa medical at cosmetics reasons, tulad ng mastectomy products, prosthetics breast, bras o shells na may gels, at saline solution; at gels o frozen liquids na kailangan para maibsan ang kirot sa isang may sakit, at disability or medical-related items na ginagamit ng pasahero bilang pasyente.

Matatandaang ipinagbawal ang liquid items sa mga pasahero ng MRT, LRT 1 at 2 kasunod ng pambobomba sa Jolo Cathedral sa Sulu nitong Enero 27.

Alexandria Dennise San Juan