Nagbukas ang Maritime Industry Authority ng 19 na bagong Roll-on/Roll-off o RoRo missionary routes para sa upgrading ng domestic shipping industry.
Ito ay bilang suporta sa nautical highway development sa bansa, na kabilang sa walong prioridad na programa sa 10-taong maritime industry development plan (MIDP).
Ayon sa MARINA, kabilang sa mga bagong RoRo missionary routes na binuksan ang ruta ng Basco, Batanes – Currimao, Ilocos Norte; Batangas City – San Jose, Occidental Mindoro; San Juan, Batangas – Abra de Ilog, Occidental Mindoro; Real, Quezon – Polillo Island, Quezon; Lucena City, Quezon – Odiongan, Romblon; Lucena, Quezon — Buyabod, Marinduque; at Lucena, Quezon – Romblon, Romblon.
Binuksan na rin ang ruta sa Lucena, Quezon – Masbate City; Maasin, Southern Leyte – Ubay, Bohol; San Narciso, Quezon – San Pascual, Masbate; Pantao, Albay – San Pascual, Masbate; Calbayog City, Samar – Cataingan, Masbate; Taytay, Palawan – Cuyo, Palawan; Cuyo, Palawan – San Jose de Buenavista, Antique; Oslob, Cebu – Dumaguete, Negros Oriental; Punta Engano, Mactan Island, Cebu – Jetafe, Bohol; Poro, Camotes, Cebu – Isabel, Leyte; Lipata, Surigao del Norte – Dapa, Surigao del Norte; at Siaton, Negros Oriental – Dipolog City.
Kaugnay nito, hinikayat ng MARINA ang shipping companies na mag-operate sa mga naturang bagong bukas na RoRo missionary routes, bilang suporta sa pagpapalawak ng RoRo Terminal System (RRTS).
Nabatid na ang mga shipping company na magsisilbi sa nabanggit na mga missionary route ay magkakaroon ng proteksiyon sa investment sa loob ng limang taon at 50% diskuwento sa regular fees sa lahat ng aplikasyon at renewal ng ship documents, licenses, certificates, at permits.
Mary Ann Santiago