Labing-isang araw bago magsimula ang campaign period, iniurong ngayong Biyernes ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang kandidatura sa pagkasenador dahil sa problema sa kalusugan.

Ex-Presidential Spokesman Harry Roque

Ex-Presidential Spokesman Harry Roque

Sa isang Facebook post, sinabi ni Roque na sumailalim siya kamakailan sa “percutaneous coronary intervention”, kaya napilitan siyang bawiin ang kanyang kandidatura.

“At sa huling mga araw, kasama ang aking pamilya, ako ay napilitang harapin ang katotohanan ng aking pisikal na sitwasyon, at kung ano ang ibig sabihin nito para sa aking mga hangarin sa paglilingkod sa publiko,” saad sa post ni Roque.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasabay nito, nagpasalamat si Roque sa mga sumuporta sa kanya sa maiksing panahon na nagpahayag siya ng kagustuhang maglingkod sa Senado.

“Anuman ang maaaring isipin ng iba ukol sa aking pulitika, ang mga nakakita sa aking trabaho sa parehong pampubliko at pribadong sektor ay maaaring magpatunay sa kung ano ang nais kong dalhin sa Senado,” aniya.

Kinumpirma rin ngayong Biyernes ng Commission on Elections (Comelec) na nagsumite na ng withdrawal ng kanyang kandidatura si Roque.

“Senatorial candidate Harry Roque has submitted his withdrawal, to the Comelec,” saad sa pahayag ni Comelec Spokesman James Jimenez.

Ayon kay Jimenez, kapag nakumpleto na ang procedural requirements ng pagbawi ng kandidatura ni Roque ay aalisin na ang pangalan nito sa balota, na sisimulan nang iimprenta sa Pebrero 7.

Samantala, sa isang panayam sa Malacañang ay sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na si Pangulong Duterte ang magdedesisyon kung ibabalik nito sa pagseserbisyo sa gobyerno si Roque.

Sinabi naman ni Roque na bukas siya sa posibilidad na muling maglingkod sa pamahalaan.

“It is my sincere hope that I will someday again have the honor to serve the Filipino people as a legislator, or in whatever other capacity I may be of service,” ani Roque.

Argyll Cyrus B. Geducos, Leslie Ann G. Aquino, at Beth Camia