ILALARGA sa ikalawang taon ang Takbo Para sa Kalikasan na gaganapin sa ika-14 ng Abril sa CCP Complex grounds sa Pasay City.

Ipinahayag ng organizer na mas pinalawak ang aspeto ng karera at tatampukan ng apat na stage tulad ng Fire Run, Water Run, Air Run at Earth Run.

May pagkakataon ang mga running enthusiast na sumabak sa apat na aspeto na may kanya-kanyang 3KM, 5KM, 10KM, 16KM at 18KM event. May medal at token of appreciation na matatangap ang mga lalahok.

Ang Haribon Foundation ang pangunahing benipesaryo ng patakbo.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“We’re thankful for having us as their be¬neficiary this year again. First of course for the funds that we are getting,” pahayag ni Haribon Representative Stephanie Lim.

“This year we will plan to allocate the funds we received from each runs to different projects we have.”

Pangungunahan ni Fritz Labastida, tinaguriang Fabolous Running Diva, ang mga guest sa patakbo.