TRULILI kaya na hold ang shooting ng Pedro Penduko ni James Reid dahil kasalukuyang nagpapagaling ang aktor mula sa natamong fracture sa balikat.

James

Nabanggit ng taga-production na pansamantalang nahinto ang shooting ng pelikula ni James dahil kinailangan muna nitong magpa-therapy.

“Na-sprain daw sa balikat, e, hindi puwedeng igalaw. Need magpa-therapy hanggang July kaya heto, hinto muna shooting,” say sa amin.

'Hardest part of motherhood so far!' Kris Bernal ibinahagi 'breastfeeding' journey niya

Hindi naman sinabi kung anong dahilan ng pagkaka-sprain ni James.

Ang Pedro Penduko ang solong pelikula ni James sa Viva Films.

-REGGEE BONOAN