MAGKIKITA na ba sa wakas ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray at ang American-African supermodel na si Tyra Banks para sa isang runway showdown?

Tyra copy

Nag-post ulit kasi si Tyra sa kanyang Instagram nitong January 20 ng video niya at ni Catriona, na rumarampa sa runway na may caption na #LavaWalk meets #VolcanoStrut @catriona_gray!”

Sumagot naman si Catriona sa naturang video sa kanyang IG Stories: “Would be a dream to walk beside you @tyrabanks.”

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ipinost ni Catriona ang sagot niya kay Tyra apat na oras makaraang i-upload ng American-African supermodel ang video sa social media.

Excited naman ang fans ng bawat kampo at panay din ang panghihikayat nila na sana ay magkita na ang dalawang celebrity at mag-showdown sa runway.

Ang naturang video ay mahigit 483,363 beses nang napanood. Sa kabilang banda, umabot na sa 4.3 milyon ang followers ni Catriona sa Instagram. Si Tyra ay may 6.2 milyong followers sa IG.

Sa mga naunang post, inamin ni Tyra na hindi pa siya nakaka-move on sa Lava Walk ng Filipino-Australian beauty queen na ginawa nito sa Miss Universe 2018 competition sa Bangkok, Thailand nitong December 17.

“Can’t stop thinking about that #LavaWalk,” sabi ni Tyra sa kanyang tweet noong January 10.

Si Tyra ang unang babae na may lahing African American na naging cover ng GQ at ng Sports IllustratedSwimsuit Issue. Isa siya sa mga highest-earning models noong early 2000s na may kabuuang net worth na US$90 million. Naging Victoria’s Secret Angel din si Tyra simula 1997 hanggang 2005.

Siya ang producer ng long-running reality show na America’s Next Top Model, at isa sa apat na African American at pitong kababaihan na ilang beses nang napabilang sa pinakamaiimpluwensiyang personalidad ng prestihiyosong Time magazine.

Noong Setyembre 2011, inilathala ni Tyra ang kanyang unang nobela, ang Modelland, na nanguna sa New York Times best-seller list noong Oktubre ng parehong taon.

Sa kasalukuyan, si Tyra at isang personal branding guest lecturer sa Stanford University. Siya rin ang host ng isa pang reality talent show na America’s Got Talent.

-ROBERT REQUINTINA