Mabilis pa rin sa edad na 40, dinomina ni Manny Pacquiao ang 29-anyos na Amerikanong si Adrien Broner sa kanilang tapatan nitong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) at matagumpay na naidepensa ang kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight title sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Nasapol ni Manny Pacquiao sa mukha si Adrien Broner sa kanilang laban sa Las Vegas, Nevada nitong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas). AFP

Nasapol ni Manny Pacquiao sa mukha si Adrien Broner sa kanilang laban sa Las Vegas, Nevada nitong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas). AFP

Sa harap ng 13,025 katao, nagpakitang-gilas si Pacquiao at binigo ang boxing fans matapos niyang talunin si Broner, na walang ginawa kundi ang sumuntok sa ere habang umiiwas sa mga bigwas ng Pambansang Kamao.

Ngunit hindi nagustuhan ni Broner ang naging desisyon ng mga hurado matapos ang 12 rounds, nang nagawa siyang makorner ni Pacquiao sa lubid.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Malakas pa rin ang paniniwala ni Broner na natalo niya si Pacquiao sa nasabing laban.

"I beat him, everybody out there knows I beat him," ani Broner. "I clearly won the last seven rounds."

Hindi man nagawang mapatumba si Broner, naiposte pa rin ni Pacquiao ang panalo via unanimous decision sa mga nakuhang scores na 117-111, 116-112, 116-112.

Itinaas ng eighth-time world division champion ang kanyang record sa 61-7-2 (39 KOs) sa kanyang 70th career fight—na posibleng magbigay-daan sa rematch kontra sa mahigpit niyang karibal na si Floyd Mayweather Jr.

“I’m willing to fight Floyd Mayweather again. If he is willing to come back to the ring,” ayon kay Pacquiao.“Tell him to come back in the ring and we will fight again.”

Si Pacquiao, na nagwagi ng WBA title noong 2018 makaraang mapatumba niya sa seventh round ang retired na ngayong si Lucas Matthysse, ay kumita ng $10 million para sa kanyang 36-minutong laban kontra kay Broner.

Nakakuha rin ng porsiyento si Pacquiao para sa kanyang unang bayad sa pay-per-view fight simula pa noong 2016, sa showdown kontra sa Mexican na si Jessie Vargas para sa World Boxing Organization 147-lb title.

Associated Press