CHICAGO (AP) — Matapos magdiwang ng kanyang 37 karaawan noong nakaraang Huwebes, tuluyan nang nagretiro sa NBA si Dwyane Wade ngunit binigyan muna ng panalo ang koponan ng Miami Heat matapos na pataobin ang Chicago Bulls 117-103 kahapon (Sabado ng gabi sa US)

Wade

Wade

Hindi man karamihan ang nagawang puntos, ay pasok pa rin sa banga ang 14 puntos na naibuslo ni Wade kasama ang 10 rebounds at seven assists sa kanyang huling laro para sa kanyang hometown.

Matagal nang plano ni Wade na magretiro sa kanyang ika-16th season sa NBA, kung saan aynakakuha siya ng masigabong palakpakan at standing ovations sa buong laro.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Nag-ambag ng 26 puntos si Josh Richardson para sa Miami pati na si Dion Waiters na tumapos ng 21.

Nakuha naman ng Bulkls ang kanilang ikasampung sunod na pagkabigo bagama’t may natialang 22 puntos si Zach LaVine at 21 puntos naman ang buhat kay Bobby Portis at 20 puntos buhat kay Lauri Markkanen.

Si Wade ay nagkaroon ng pagkakataon na makapaglaro para sa Bulls noong 2016 at 2017 season kung saan binigyan siya ng tribute ng koponan sa pamamagitan ng isang video sa unang timeout ng laro na siyang nagsimula ng standing ovation para sa nagretirong manlalaro.

Muling nakatanggap ng malakas na hiyawan si Wade sa audience nang pumasok siya sa laro kung saan pumukol siya ng isang 3-pointer sa kanyang ikalawang attempt matapos na sumablay sa una.

Nagtala agad ng 9 na puntos si Wade sa first half kung saan lamang sa 57-55 ang Heat.

Si Richardson naman ay may 11 puntos sa 4-for-6 shooting na dinagdagan naman ni Wade ng lima sa third quarter kung saan hinatak ng Heat ang 83-76 kalamangan sa huling quarter.

Isang 14-2 run ang itinakbo ng heat matapos ang kanilang 91-86 bentahe sa unang minuto ng ikaapat na yugto hanggang sa iselyona ang panalo.

Muli naman nagbigay ng papuri ang mga manonood kay Wade habang papalabas ito ng playing court, sa huling dalawang minuto ng labanan.