Mga Laro sa Sabado

(Rizal Memorial Baseball Stadium)

7:00 n.u. -- IPPC vs DLSU

10:00 n.u. -- UP vs AdU

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

1:00 n.h. -- ADMU vs NU

SA wakas nakatikim rin ng panalo ang National University matapos padapain ang University of the Philippines, 10-1,nitong Linggo sa pagpapatuloy ng Philippine Baseball League sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nagawang putulin ng nasabing panalo ang kinasadlakang unang dalawang sunod na talo ng Bulldogs, habang sumadsad naman sa ikatlong dikit na kabiguan ang Fighting Maroons.

“Ang sabi ko kailangan naming ma-refocus sa game, kasi natalo kami kahapon because yung errors. Sabi ko kailangan nating magpakita ng magandang depensa, para ma-complement yung hitting natin,” pahayag ni NU coach Egay Delos Reyes.

Nasunod naman ang kanilang gameplan na pinalad pang nasabayan ng mga errors ng Fighting Maroons sa kanilang defense.

Nagtala ang NU ng anim na sunod na runs sa second inning na siyang nagsilbing susi sa kanilang panalo.

Umaasa ang Bulldogs na makakatulong ang nasabing panalo upang unti-unting umangat ang kanilang laro bilang preparasyon na rin para sa darating na UAAP baseball tournament.

“Kailangan magpakita rin tayo ng image na hindi tayo basta-basta mai-intimidate,” ayon pa kay de los Reyes. “Morale-boosting sa kanila going into the UAAP because UAAP is three weeks to go na lang. Maganda na makita nila na mananalo at kahit sino kaya nilang labanan.”

Nauna rito, pinutol naman ng Adamson Soaring Falcons ang nasimulang dalawang sunod na panalo ng Ateneo Blue Eagles sa pamamagitan ng 15-2 panalo sa isang abbreviated seven-inning game.

Sa ikatlong laban, namayani naman ang Itakura Parts Philippines Corporation Nationals matapos gapiin ang University of Santo Tomas Golden Sox, 8-4.

-Marivic Awitan