Curry, nagsalpak ng 11 three-pointer; Raptors, lusot sa Wizards sa 2OT

DALLAS (AP) — Mat ikas na nakihamok ang Mavericks sa harap ng nagbubunying homecrowd, ngunit hindi nagpadaig ang two-time defending champion Golden State Warriors sa naitarak na 119-114 desisyon nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nagliyab ang opensa sa outside shooting ni Stephen Curry sa naiskor na 48 puntos, tampok ang 11 three-pointers, habang kumana si Kevin Durant ng 28 puntos at kumabig si Klay Thompson ng 16 puntos.

Naisalpak ni Curry ang ika-11 three-pointer sa laro – para pantayan ang season-high — para basagin ang 114-tabla at bigyan ng kaluwagan ang Warriors sa mahigpitang laban.

Nabutata ni Draymond Green ang tira ni Jalen Brunson sa sumunod na play at nakuha ang possession sa bola. Nagawang madepensahan ng Mavericks ang Warriors, ngunit nagtamo ng krusyal turnover si Harrison Barnes may limang segundo ang nalalabi. Senelyuhan ni Curry ang panalo sa dalawang free throw.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Nanguna si Luka Doncic sa Dallas sa naiskor na 26 puntos, habang humirit si Barnes ng 22 puntos at nag-ambag si Brunson ng 12 puntos mula sa bench. Naglaro ang Mavs na wala ang injured guards na sina J.J. Barea at Dennis Smith Jr.

Nailagay ni Devin Harris ang Dallas sa unang bentahe mula sa second quarter, 105-103, sa naisalpak na layup may 5:29 ang nalalabi. Sinunda niya ito ng three-pointer para tampukan ang 11-0 run para sa limang puntos na kalamangan.

Naitabla ni Curry ang iskor sa 114 sa floater may 1:39 sa laro bago ang malaking mintis sa three-pointer ni Doncic para maselyuhan ang panalo ng Golden State.

MAGIC 116, ROCKETS 109

Sa Orlando, ginapi ng Magic, sa pangunguna nina Nikola Vucevic at Aaron Gordon na may tig-22 puntos, ang injury-depleted Houston Rockets.

Hataw din s ina Evan Fournier at Terrence Ross ng tig-17 puntos para sa Magic.

Ratsada si James Harden sa Houston sa naitumpok na 38 puntos, ngunit inalat sa three-pointer sa naisalpak na 1 for 17. Kumasa rin siya ng 12 assists at siyam na rebounds.

Nag-ambag sina Austin Rivers ng 25 puntos at Clint Capela na may 17 puntos at 10 rebounds.

NUGGETS 116,

BLAZERS 113

Sa Denver, humugot si Nikola Jokic ng season-high 40 puntos at tumipa si Jamal Murray ng 24 puntos para daigin ng Nuggets ang Portland Trail Blazers.

Nagmintis lang ng dalawang assists si Jokic na may 10 rebounds at walong assists para sa ikaanim na triple-double ngayong season.

Nakabawi ang Denver sa kabiguang natamo sa Phoenix nitong Sabado para sa ika-12 sunod na home win.

Nagtumpok si Damian Lillard ng 26 puntos sa Portland, habang humirit si CJ McCollum ng 18 puntos sa Trail Blazers na naputol ang four-game winning streak.

RAPTORS 140,

WIZARDS 138 2OT

Sa Washington, naisalpak ni Serge Ibaka ang 3-pointer sa huling 15 segundo ng second overtime para snadigan ang Toronto Raptors sa gabuhok na panalo laban sa Washington Wizards.

Nabitiwan ng Raptors ang kapit sa 23 puntosna bentahe at nagpakatatag sa labanan para maigupo ang Wizards.

Hataw si Kawhi Leonard sa natipang 41 puntos at 11 rebounds para sa Toronto, habang kumana si Pascal Siakim ng 24 puntos at career-high 19 rebounds.

Nanguna si Bradley Beal sa Wizards sa ikalawang triple-double ngayong season sa tinapos na season high 43 puntos, 15 rebounds at 10 assists. Kumubra si Otto Porter ng 27 puntos at humirot si Trevor Ariza ng 23 puntos, 10 assists at siyam na rebounds.