Walang anumang banta sa seguridad sa Metro Manila matapos ang pambobomba sa Cotabato City kamakailan, inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar.

Ayon kay Eleazar, nananatiling naka-full alert status sa Metro Manila at tuloy ang koordinasyon ng Metro Manila Police sa iba’t ibang ahensiya.

Hinikayat ni Eleazar ang publiko na maging mapagmatyag at agad i-report ang mga kahina-hinalang bagay at indibiduwal.

Kaugnay nito, unti-unting bumabalik sa normal ang sitwasyon sa Cotabato City.

Probinsya

16-anyos na inang nagpapadede ng sanggol, binaril sa noo ng selosong mister!

Nagpahayag ng paghanga si Chief Supt. Benigno Durana Jr., PNP spokesperson, sa mga tao sa Cotabato.

“It’s a good practice in any crisis management to go back to normal. While we can be vigilant, we should also remain watchful but calm. Let’s deny the enemies of the state the  luxury of causing us to cow to fear,” pahayag ni Durana sa isang panayam sa telebisyon.

Dahil ipinatutupad ang martial law sa Mindanao, sinabi ni Durana na tinitiyak ng militar ang kaligtasan at kapayapaan sa lugar.

“Cotabato City is back to normal now. We admire the resiliency of the Mindanaoans,” pahayag ni Durana

-Fer Taboy, Bella Gamotea, at Martin A. Sadongdong