ISA sa hindi malilimutang kaganapan sa Philippine sports sa taong 2018 ang tagumpay ni Carlo “Caloy” Yulo sa World Artistic Gymnastic Championships sa Aspire Dome sa Doha Qatar.

YULO: (Kaliwa) Gumawa ng kasaysayan sa bansa sa mundo ng gymnastics

YULO: (Kaliwa) Gumawa ng kasaysayan sa bansa sa mundo ng gymnastics

Sa kasaysayan ng bansa sa sports, ang bronze medal ni Yulo sa men’s floor exercise ang kauna-unahan para sa Pinoy sa world stage ng gymnastics na dominante ng European, particular ang Russia.

Sa edad na 18-anyos, hindi pumalya si Yulo na mag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas, at para sa kanyang pamilya.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Our relentless efforts and determination to grab a piece of those elusive medals in the world championships has paid off,” pahayag ni Cynthia Carrion, pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP).

“What Caloy has become today was never an easy way up. He was a young boy who frequented the gym, and the first time I saw his executions and movements, I particularly noticed something so different in this boy,” pahayag ni Carrion.

Isa namang karangalan para kay Yulo na makapagbigay ng panalo para sa bansa kung saan ay mas pinag-iigting pa niya ang kanyang bawat ensayo upang magkaroon ng kabuluhan ang kanyang paglayo sa pamilya pansamantala upang ituloy ang training at pag-aaral sa Japan.

“Masaya po ako dahil nakapagbigay po ako ng karangalan sa bansa. And natutuwa po ako dahil alam ko po na buo ang suporta ang mga sports officials natin at lalo na po ng pamilya ko,” ani Yulo.

Bilang pagkilala sa naging tagumpay ni Yulo, ipinagkaloob kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang halagang P250,000 na insentibo sa pamamagitan ni commissioner Celia Kiram.

Bagama’t hindi kabilang sa RA 10699 ang nasabing insentibo, kahit na ito ay World Championship event, minabuti pa rin ng ahensiya na pagkalooban si Yulo ng nasabing insentibo bilang pagkilala sa kanyang natatanging tagumpay.

“What we have achieved at this point is equally credited to the full training support of MVP Sports Foundation and of the Philippine Sports Commission headed by Butch Ramirez. Caloy’s being a part of the Solidairty program of the Philippine Olympic Committee (POC) has helped him as well. This is not to undermine the great efforts and winning tecniques that his coah Munehiro and therapist Jumpei Konno contributed to readying him for the world stage,” pahayag ni Carrion.

Kasalukuyang sinusuportahan ng PSC ang training ni Yulo sa Japan sa pamamgitan ng pagbabayad ng serbisyo ng kanyang Japanese coach.

Pansamantalang umuwi ng bansa si Yulo upang makasama ang pamilya sa holiday season at babalik sa Japan upang ituloy ang training para naman sa Southeast Asian Games ngayong papasok na 2019.

Pitong medalya ang ipinangako ni Carrion na makukuha ng gymnastics sa SEA Games para kay Yulo, habang target naman nila ang ginto sa 2020 Tokyo Olympics.

“Sisikapin po na kayanin na kmaka gold. Sa ngayon po ang level of training ko na kasi 50% ang mga kalaban po nasa 90% na sila, Pipilitin po natin na habulin yung level nila para makasabay po,” ayon kay Yulo.

-ANNIE ABAD