SINIGURO ng Rain or Shine na sa kanilang bakuran isasabit ni James Yap – kung nanaisin nito – ang kanyang basketball jersey sa PBA.

YAP: ‘Ensayo lang para manatiling bata sa laro’.

YAP: ‘Ensayo lang para manatiling bata sa laro’.

Lumagda ang two-time MVP ng bagong tatlong taong kontra sa Elasto Painters. Nagdiwang kamakailan ang dating University of the East stalwart ng ika-36 kaarawan.

Kinumpirma ni ROS co-team owner Raymund Yu ang pagpirma ni Yap nitong Huwebes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Yes, OK na si James. He asked for a three-year contract, and we gave it to him,” pahayag ni Yu.

Sa kanyang edad, alam ni Yap na nalalapit na ang takip-silim ng kanyang career, ngunit ikinalugod pa rin niya ang pagaalaga ng Elasto Painters, gayundin ng dating coach na si Yeng Guiao sa muling pagkakasama sa National Team.

“Di ko naman ine-expect na makakabalik ako sa national team,” pahayag ni Yap.

“Blessed lang. Thankful sa tiwala ni coach Yeng (Guiao) na pinili niya ako sa dami ng mga players na naglalaro. Thanks to God na nabigyan ng chance. Thanks sa Rain or Shine at sa lahat na ng sumuporta,” aniya.

Sa naganap na Philippine Cup, naitala niya ang averaged 10.4 puntos, 3.2 rebounds at 1.0 assist, at naitaas niya ito sa Commissioner’s Cup sa 10.6 puntos, 2.1 rebounds at 1.1 assists.