INABANGAN ng sports community ang resulta ng eleksyon para sa pagkapangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).

Vargas

Vargas

Ito ay matapos na katigan ng korte ang apela ni Ricky Vargas at Bambol Tolentino upang payagan silang na makatakbo sa eleksyon at kalabanin ang matagal nang nanunungkulan noon na si dating congressman Jose “Peping” Cojuangco.

Ikinatuwa ng marami ang resulta ng eleksyon kung saan nagwagi si Vargas at winakasan ang 13 taong panunungkulan ni Cojuangco bilang presidente ng POC.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Naging usap usapan ang pagkatalo ni Cojuangco sa naturang eleksyon gayung ilan sa kanyang mga sinasabing kaalyado ang diumano’y tumalikod sa kanya.

Nagwagi sa 24 boto si Vargas habang 15 lamang ang bumuto kay Cojuangco buhat sa mga miyembro na National Sports Association (NSAs).

Habang si Tolentino naman ay nanalo nilang chairman ng POC sa 23 panalo kontra sa nakuhang boto ng kanyang nakalaban na si Ting Ledesma ng Table Tennis na nakakuha ng 15 boto.

Sa ngayon, napalitan na ang pumunuan ng POC at nawakasan na rin ang mahabang taon ng pamumuno ni Cojuangco.

Ngunit, makalipas ang 10 buwan na panunungkulan ni Vargas, marami pa rin ang naghihintay ng pagbabago, higit ang pagkakaroon ng resolusyon sa mga hidwaan at leadership dispute sa ilang sports association tulad ng swimming, volleyball, muay thai, wrestling, bowling at jiu-jutsu.

Naniniwala ang nakararami na ang pag upo ni Vargas ay simula na ng malaking pagbabago sa pamumuno ng nasabing kumite na matagal nang inaasam ng mga miyembro nito.

Ngunit, kung pagbabasehan ang galaw ang bagong liderato sa POC tila walang pagbabago na magaganap para matugunan ang pangangailangan ng mga sports association.

-Annie Abad