Nanawagan kahapon ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na magdoble-ingat ngayong holiday season kaugnay ng sunud-sunod na insidente ng sunog, kamakailan.

Ayon kay BFP Spokesperson, Supt. Joan Vallejo, hinihikayat nila ang bawat isa na mag-focus at magkaroon ng pag-iingat sa loob mismo ng kanilang bahay, kahit pa busy pa sa anumang bagay.

Pinayuhan din niya ang mga magulang na bantayan nang husto ang mga anak, lalo na sa pagsalubong sa Bagong Taon upang hindi sila mabiktima o makadisgrasya dahil sa paputok.

Kaugnay nito, todo-kayod ang mga tauhan ng BFP sa pagpapakalat ng impormasyon kontra-sunog upang mabawasan ang kahalintulad na insidente, ngayong taon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Beth Camia