JERUSALEM (AP) - Walang magiging epekto sa polisiya ng Israel ang desisyon ng Amerika na bawiin ang puwersa nito sa Syria.

Ito ang iginiit ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, makaraang ihayag ni US President Trump ang pag-alis ng Amerika sa Syria.

“[Israel will] continue to act against Iran’s attempts to entrench itself militarily in Syria, and to the extent necessary, we will even expand our actions there,” pahayag ni Netanyahu.

Kasunod ng pagpapauwi ni Trump sa mahigit 2,000 sundalong Amerikano mula sa Syria, nagbitiw sa puwesto sina Defense Secretary Jim Mattis, at Brett McGurk, ang U.S. envoy to the global coalition na lumalaban sa Islamic State group.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture