HINDI Panagbenga tuwing Pebrero o Holy Week break ang maituturing na peak tourist season sa siyudad ng Baguio, kundi tuwing Christmas time.

15

Ito ay base sa tourist statistics report ng City Tourism at Special Events Office, batay sa datos na ipinadala sa kanila ng Department of Tourism (DoT) at ng Philippine Statistics Authority (PSA), na mula 2015 hanggang 2017 ay naitala ang pinakamaraming tourists arrivals ng local, foreign at balikbayan visitors sa Summer Capital tuwing Disyembre.

Noong 2015, may kabuuang 122,709 tourists ang bumisita sa Baguio noong Disyembre, mas mataas ito sa Nobyembre, na may 86,965; Mayo - 118,501; Abril - 122,447; Marso - 97,190; at Pebrero - 106,373.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

Tumaas ito noong 2016 sa 172,303 ng Disyembre; Nobyembre - 119,060; Abril - 129,121; Marso - 111,678; at 104,568 - Pebrero. Noong 2017, dumagsa sa lungsod ang 198,599 noong Disyembre; 147,464 noong Nobyembre; 144,447 noong Abril; 111,362 noong Marso; at 129,572 noong Pebrero.

12

Bunsod nito, ayon sa report, tumaas ng 17.52% ang tourist arrivals noong 2017, na may kabuuang 1,521,748, kumpara noong 2016 na may 1,294,906.

Ayon kay Councilor Elmer Datuin, committee chairman on tourism, labis itong ikinagagalak ng city government at nagpapatunay na isa s a dinadagsa ng mga bakasyunita tuwing Pasko ang mga makasaysayang events ng Christmas in Baguio celebration.

1

Aniya, napatunayan na rin sa mga nagdaang taon na ang pagsisimula ng Christmas in Baguio c e l ebr a t ion ay nagbubukas sa tatlong makasaysayang event, ang traditional na Children’s Mardigras ng Silahis ng Pasko; ang Lantern Parade ng Saint Louis University; at lighting ng giant Christmas tree sa Rose Garden. Bukod dito ay ang karagdagang atraksiyon ng façade lighting ng Porta Vaga sa Session Road, at ang Christmas Lights and Sound sa People’s Park.

“Bukod sa isang buwan ng iba’t ibang events ng Christmas in Baguio, ay ang malamig na klima ang kabilang sa pagdagsa ng mga turista sa lungsod ng Kapaskuhan, kaya hindi makakaila na ang Christmas time ang may mataas na tourists arrivals sa Summer Capital,” dugtong pa ni Datuin.

-Sinulat at mga larawang kuha ni RIZALDY COMANDA