Apat na umano’y tulak ng ilegal na droga ang nadakip ng mga awtoridad habang nakatakas ang isa nilang kasabwat sa buy-bust operation sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Juvylyn Ramirez y Basco, 38, tubong Cavite at nakatira sa DOTC compound, Magsaysay Street, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City; Alex Abdul y Fatima, 34, tubong Cotabato City, ng Road 16, Roldan St., Bgy. New Lower Bicutan; Justine Ramirez y Basco, 18, ng Ruhale St., Bgy. Calzada- Tipas; at Francis Palaya y Bueta, 31, ng No. 23 Manggahan St., Bgy. New Lower Bicutan.

Samantala, nakatakas si alyas “George.”

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police, sa pangunguna ni SPO1 Jackaria Amin, at naaresto ang mga suspek sa DOTC compound, Magsaysay St., Bgy. New Lower Bicutan, dakong 8:55 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binentahan umano ng mga suspek ng droga ang isang pulis na poseur-buyer sa lugar.

Nasamsam sa mga suspek ang 11 selyadong pakete ng umano’y shabu, na may timbang na 15 gramo.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) laban sa mga suspek.

-Bella Gamotea