MARIING kinondena ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang nangyraing insidente ng bullying sa loob ng comfort room ng Ateneo De Manila Junior High School.

Sangkot sa insidente na pinagpipistahan ngayon sa social media, ang Junior Taekwondo Jin na si Joaquin Montes na siyang nakita sa video na nanipa at nanuntok sa isa pang estudyante na nauulinagan na hinamon niya na mamili ng dignidad o bugbog.

Sa opisyal na pahayag ng PTA, sinabi ng pangulo ng national sports association (NSA) kinokondena niya ang insidente.

“The Philippine Taekwondo Association condemns any form of misbehaviour that includes harassment, bullying and acts of violence, “ pahayag ni Aventajado.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon pa sa PTA na hindi nila itinuro sa kanilang mga Taekwondo practitioners na gamitin sa pananakit ng ibang tao ang nasabing martial arts discipline..

“Modesty is one of the five tenets of taekwondo that is being taught to all Taekwondo practitioners from the first day of training. Our Association reiterates it’s objective to teach all taekwondo practitioners self respect and respect for others,” aniya.

S i M o n t e s a y miyembro ng PTA na sumasabak s a mga kompetisyon sa juniors event ng taekwondo na iniiugnay sa dating presidente ng Philippine Olympic Committee ( P O C ) a t d a t i n g Congressman ng Tarlac na si Peping Cojuangco.

Malapit umano ang pamilya ni Montes sa mga Cojuangco bagama’t wala pang kumpirmasyon ang nasabing impormasyon.

S a m a n t a l a magsasagawa naman ng kanilang sariling imbestigasyon ang PTA hinggil sa nangyaring insidente.

Annie Abad