IPINAKITA ng pamunuan ng Columbian Dyip ang kanilang malaking tiwala sa kanilang top rookie at no.1 draft pick na si CJ Perez matapos nilang palagdain ng maximum contract para sa isang rookie ang dating NCAA MVP.

Pinangunahan ni Columbian Dyip team governor Bobby Rosales ang nasabing contract signing nitong Huwebes ng hapon sa training center ng koponan sa Azure.

Gayunman, walang anumang detalye na ibinigay ang management ng Dyip maging kung hanggang kailan ang itatagal ng kontrata.

Ngunit base sa karaniwan at inaasahang nilalaman ng maximum deal para sa isang rookie, tatanggap ito sa unang taon ng P150,000 buwanang suweldo na tataas hanggang P220,000 sa kanyang ikalawang taon at P350,000 sa ikatlong taon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“This boy has character,”pahayag ni Rosales na humanga rin sa pagiging magalang ni Perez. “And his basketball talent speaks for itself.”

-Marivic Awitan