RATSADA muli ang Davao-Cocolife Tigers at ang pinakahuling biktima ay ang punong-abalang Bacoor Striker,69-50, kamakailan sa elimination round ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa Strike Gym sa Bacoor City, Cavite.

Nanatiling matikas mula simula hanggang sa final buzzer ang PBA veteran na si Mark Yee sa pagtala nito ng double-double performance – 17 puntos at 1 rebounds -- upang akayin ang Tigers sa ika-14 na panalo sa 17 laro.

Kumamada rin sa koponan mula Mindanao ni Claudine Bautista ng Davao Occidental LGU na suportado nina Cocolife president Elmo Nobleza,FVP Joseph Ronquillo at Rowena Asnan,ang balik-aksiyon na si Bonbon Custodio galing sa back injury,Bily Robles na nakarekober sa tendonitis at bench players upang mahila ang winning streak ng Tigers sa 12 at manatiling nasa ituktok ng liderato sa South division ng ligang inorganisa ni Sen.Manny Pacquiao.

Sinikap ng Strikers na sina Chad Alonzo,Gab Banal at Randy Acidre na nais magpasiklab sa nagbabalik-tahanan na si Senator Bong Revilla na personal na sinaksihan ang Bacoor team upang makahabol sa ikatlong yugto subalit walang epekto sa bangis ng depensa ng Cocolife.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Defense is the key,” sambit ni Davao Cocolife team manager Ray Alao.

Pinuri naman ni Tigers coach Don Dulay ang steady stance ng kanyang starters at ang pag-deliver ng quallity minutes ng kanyang homegrown at bench players tungo sa pagposte ng pinakamahabang 12 game winning streak sa liga