INAMIN ni Jaya na lalong dumami ang kanyang shows at concerts nang lumipat siya sa ABS-CBN, at lalo siyang napansin here and abroad dahil sa paging hurado niya sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng It’s Showtime.
Kaya naman may nagsasabing tumaas ang kanyang talent fee dahil sa kanyang paglipat mula sa pagiging dating Kapuso.
“Naku, hindi totoo ‘yung mga ganyan. Ano lang, nakaluwag-luwag lang nang konti,” seryosong sabi ni Jaya.
Nakakabili-bili na rin ba siya ng lupa at bahay?
“Nakakabili na ng lupa! Ha, ha, ha!” sabi ni Jaya. “Hindi! Nakaka-stylist, charot! Hindi, hindi.”
Ipinaliwanag ng Queen of Soul kung bakit hindi siya nagpe-perform sa mga concerts at mga shows for the past several years.
“For me right now ang goal is to really be seen constantly and performing. Kasi ang tagal ko ring hindi kumanta, ‘di ba? Nagkaproblema ako sa vocal chords. Nagpatingin kami sa doctor. Nag-suggest si Erik Santos ng doctor, this is two years ago.
“Meron nga kaming mall tour sa Davao, hindi ko malilimutan. Wala akong boses. (Sabi ko) ‘Paano ‘to? Outdoor, huh. Paano tayo kakanta?’ Wala, wala kang magawa. Push, push, hanggang sa lumabas siya.
“Pero a year and a half ko siya sinuffer. Hindi lang ako kumikibo. Itinuloy na lang ‘yung show. Push! Hindi ako nagrereklamo.
“Meron namang lumabas na boses. Pero may paos. ‘Yung kunwari ‘yung vocal chords, ‘di ba, magkadikit ‘yan. ‘Di ba kapag bumubuka ‘yan, paganoon. ‘Yung isa straight, ‘yung isa nakabaluktot. Parang flimsy, ganoon.”
Tulad din ba ito ng nangyari kina Sarah Geronimo at Morissette Amon dati?
“Hindi ko alam. Wala akong nodules, eh. Wala akong mga tubong nodules at ano sa throat. ‘Yun lang. Saka konting acid freflux. Talagang problema ko ‘yun. Kapag lumulunok ako na parang may phlegm. Pero wala akong ubo’t sipon.”
Paano niya ito naayos?
“Wala, tira lang nang tira, ganoon. Wala ka namang choice, eh. Saka vocal warm-ups.”
Sa ngayon ay semi-regular lang pala ang estado ni Jaya sa ASAP? May alok ba sa kanya na mapasama, o maging regular din sa bagong reformat na ASAP Natin ‘To?
“Hindi ko alam. Alam mo ‘tong Cornerstone, I trust them 100%, eh. Kung ano ang desisyon nila. And kung anuman ang mangyari, if I guest once in a while, okay lang sa akin. At least, walang pressure, ‘di ba? At saka, masayang-masaya akong naglalaba every Sunday. Ha, ha, ha!”
May contract ba siya sa Kapamilya network?
“Wala,” sagot niya. “Even naman with GMA dati, wala.”
Nabanggit ni Regine Velasquez during her guesting sa Tonight With Boy Abunda na sa loob ng 20 years ng pamamalagi niya sa GMA-7, 10 years doon ay wala siyang kontrata sa Kapuso Network. Ngunit, nakatanggap ng matinding pamba-bash si Regine mula sa netizens tungkol sa kawalan ng loyalty.
Ano ang masasabi ni Jaya tungkol dito?
“Ako, 20 [years] plus. Yes, puwede ako lumabas sa ibang network. But it wasn’t the right time, kaya siguro hindi nangyari. But moving to ABS sobrang nag-slide lang. Whoa! Sobrang walang problema. And so, talagang yung time na ‘yun, 2016, ‘yun na ‘yun,” kuwento pa ni Jaya.
-Ador V. Saluta