CAMP COL. RAFAEL C. RODRIGUEZ, Butuan City – Hindi na nagawang makalaban pa ng isang konsehal matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tubod, Surigao del Norte, ntiong Miyerkules ng hapon.

Dead on arrival sa ospital si Felisberto Dumadag III, 48, ng Purok Kasilak, Bgy. Poblacion, at miyembro ng Sangguniang Bayan ng Tubod, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kaagad namang tumakas ang dalawang suspek, sakay sa motorsiklo.

Sa ulat ng Surigao del Norte Police Provincial Office, binanggit na nakaupo lamang sa waiting shed ang biktima nang biglang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril ang opisyal, dakong 1:30 ng hapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Labindalawang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng konsehal, ayon sa mga awtoridad.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng .45 caliber pistol.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito

-MIKE U. CRISMUNDO