OAKLAND, California (AP) — Hindi nakalaro si Kawhi Leonard. Ngunit, walang kiber ang Toronto Raptors.

Umulit ng panalo ang Raptors, kahit wala ang kanilang leading scorer, kontra sa defending champion Golden State Warriors, 113-93, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Hataw si Kyle Lowry sa natipang 23 puntos at 12 assists para sandigan ang Toronto, habang kumana si Serge Ibaka ng 20 puntos para makumpleto ang ‘sweep’ sa Warriors ngyong season. Hindi nakalaro si Leonard bunsod ng injury.

Nag-ambag si Danny Green ng 15 puntos at kumubra sina Pascal Siakam at Fred VanVleet ng 13 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa NBA best record na 23-7.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nanguna si Kevin Durant sa Warriors na may 30 puntos, pitong rebounds at limang assists. Hataw ang Warriors sa four-game streak bago ang pinakahihintay na paghaharap sa Raptors.

JAZZ 111, HEAT 84

Sa Salt Lake City, hataw si Donovan Mitchell sa naiskor na 21 puntos at tumipa si Derrick Favors ng 17 puntos sa panalo ng Utah Jazz kontra Miami Heat.

“It started from the tip,” sambit ni Mitchell, patungol sa dominasyon ng Jazz na umabante sa pinakamalaking bentahe na 42 puntos. “We came out strong and didn’t let up.”

Nanguna sa Heat si Rodney McGruder na may 16 puntos, habang kumana si Kelly Olynyk ng 14 puntos. Nalimitahan si Dwyne Wade, nakatakdang magretiro sa pagtatapos ng season, sa anim na puntos. Hindi naman nakalaro ang injured na sina center Hassan Whiteside at Goran Dragic.

HORNETS 108, PISTONS 107

Sa Charlotte, naisalpak ni Jeremy Lamb ang 22-foot jumper may 0.3 segundo ang nalalabi para makumpleto ng Charlotte Hornets ang matika sna pagbangon mula sa 10 puntos na paghahabol sa kontrobersyal na laro laban sa Detroit Pistons.

Hindi paman nabubuslo ang bola sa tira ni Lamb, agad nang pumasok sac enter court ang kasangga niyang si Malik Monk dahilan para patawab ng technical dahil sa pagkakaroon ng anim na players ang Hornets.

Naisalpak ng Pistons ang technical free throw, ngunit nabigong makagawa ng tamang play sa buzzer.

Nanguna si Kemba Walker sa natipang game-high 31 puntos at siyam na assists sa Hornets.

Nanguna si Blake Griffin sa Pistons na may 26 puntos