HINDI lang artist si Karylle, mahusay din siyang businesswoman at pambihira ang ganitong kombinasyon.

Karylle

Naglabas ng bagong composition at single na It’s Christmas Time si Karylle na featured ang 27 year-old Indonesian singer na si Calvin Jeremy.

Hangad ng singer-songwriter-TV host na magkaroon ng bagong Christmas song na nagdiriwang sa pagmamahalan ng pamilya, magkakaibigan o lovers at maaalalang awitin tuwing sumasapit ang Pasko.Katulong ni Karylle sa pagsusulat ng It’s Christime Time si Alvin Cornista, released ng AtbiC Records at distributed worldwide ng Warner Music Indonesia. Available na ito simula ngayong Linggo sa lahat ng digital platforms.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

May followings si Karylle sa Indonesia simula nang gawin niya ang The Kitchen Musical TV series na pinagbidahan nila ni Christian Bautista ilang taon na ang nakararaan. Nagkakilala sina Karylle at Calvin sa pamamagitan ng sister-manager ng huli na nag-aral dito sa Pilipinas.

Ang nakakabilib, si Karylle mismo ang nag-spearhead at nag-finance ng project na ito. Bagamat hindi na bago ang pagiging risk taker ni Karylle na alam ng karamihan na may chain of videoke houses.

Mahusay siyang investor/entrepreneur.Hindi naman nagkamali si Karylle, nagpunta pa rito sa Pilipinas si Calvin Jeremy para tumulong sa promo ng awitin nila.

Single lang muna sa ngayon, pero asahan nang bubuo ng album si Karylle na pawang compositions niya ang laman.

-DINDO M. BALARES