NAG-REACT ang supporters ni Coco Martin dahil hindi man lang daw binanggit ang pangalan niya sa programa ng GMA 7 bilang isa sa bida ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles kasama sina Vic Sotto at Maine Mendoza, na kasali sa 2018 Metro Manila Film Festival at produced ng APT Entertainment/MZet Productions at CCM Film Productions, na mapapanood na simula sa Disyembre 25.

Coco

Tanong sa amin ng mga loyal supporters ni Coco at ng programang FPJ’s Ang Probinsyano: “Bakit hindi binanggit pangalan ni kuya Coco? Bida naman siya, pareho lang sila ni Bossing Vic?”

Ipinaliwanag namin na ang programang hindi binanggit ang pangalan ni Coco ay station-produced kaya understandable na hindi puwedeng banggitin ang pangalan ng aktor na bida rin sa Ang Probinsyano dahil tatlong taon na silang pinadadapa ng serye sa ratings game.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi nga ba at pang-16th show na ang Cain at Abel na itinapat sa FPJ’s Ang Probinsyano? Ano nga pala ang resulta sa ratings game, hindi kasi namin natatanong pa? Wait lang.

At since block timer ang Eat Bulaga ay tiyak na puwedeng banggitin ang pangalan ni Coco dahil co-prod nila ang APT Entertainment na producer din ng noontime show ni Vic.

Anyway, hindi naman apektado ang kampo ni Coco sa hindi pagbanggit ng pangalan niya dahil base sa napagtanungan naming taga-Dos ay, “Dedma, care bears. Walang dating, walang value.”

Ang sinigurado sa amin ay puwedeng-puwedeng banggitin ni Coco ang mga pangalan nina Vic at Maine kapag nagpo-promote ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles sa mga programa ng ABS-CBN.

Hmm, magi-guest kaya sina Vic at Maine sa Gandang Gabi Vice? Gusto naming mapanood si Vice na ini-interview ang dalawa kasama si Coco.

-REGGEE BONOAN