Pangungunahan ni Japan Cardinal Thomas Aquinas Manyo Maeda ang misa ngayong tanghali sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila, bilang pagdiriwang sa Kapistahan ng Immaculate Conception, at ng ika-60 anibersaryo ng minor basilica.

Si Cardinal Maeda ang kakatawan kay Pope Francis sa pagdiriwang, na aalalayan ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa misa.

Magkakaroon din ng misa sa ganap na 7:30 ng umaga at 6:00 ng gabi.

Sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City, isang misa ang pangungunahan ni Rev. Fr. Dennis Soriano bandang 3:30 ng hapon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Una nang idinaos nitong Linggo ang Grand Marian Procession, isang pasimula sa Pista ng Immaculate Conception, sa Intramuros.

Nagdaos na rin ang ilang Catholic school ng Marian vigil at pagrorosaryo kagabi para sa okasyon, na idineklara ng gobyerno bilang special non-working holiday sa buong bansa.

Ipinadiriwang sa Pista ng Immaculate Conception Roman Catholic dogma na “Ineffabilis Deus”, na binigyang-kahulugan ni Pope Pius IX noong Diyembre 8, 1854 na nagpapatibay sa paniniwala na ang Birheng Maria “in the first instance of her conception, was, by a unique grace and privilege by the Almighty God, in view of the merits of Jesus Christ, the Savior of the human race, was preserved free from all stain of original sin.”

-Christina I. Hermoso