Si Philippines' youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo-Racasa sa Virac, Catanduanes sa pagnanais na taas ang local ranking kasama na ang ginagawang paghahanda sa mas malaking torneo sa hinaharap kagaya ng nalalapit na 17th Asian Continental Chess Championships.
Kasama ang kanyang ama na tumatayong coach na si Roberto, isang International Memory Champion, masisilayan si Antonella sa Virac Open at Under-13 invitational chess championship sa Disyembre 8-9 sa Juan M. Alberto Memorial Elementary School sa Virac, Catanduanes.
Si Antonella ang kauna-unahang Philippine representative na naglaro sa World Cadets Chess Championships nitong Nobyembre 3 hanggang 16, 2018 na ginanap sa Santiago de Compostela, Galicia, Spain.
Ang ipinagmamalaki ng Mandaluyong City na si Antonella ang nagreyna din sa 19th Asean International Age Group Chess Championship nitong Hunyo 2018 sa Davao City.
Nasikwat niya ang gold medal sa standard competition kasabay ng pagkopo ng coveted WFM title sa kanyang effort. Ito ang naging dahilan para si Antonella tanghaling pinakabatang WFM sa bansa sa edad na 11. Nakamit niya din ang Asean Chess Master title sa 18th Asean International Age Group Chess Championship sa Kuantan, Pahang, Malaysia sa edad na sampu at paghahari sa National Age Group Girls under 10 Champion na ginanap sa Cebu City sa edad na siyam.
Ang kampanya ni Antonella sa Virac Open ay suportado nina Raffy Garcia ng Rotary Club of Pasig, Mr. Sonny Samson ng Unilab, Philippine Constructor Association of Metro Manila Chapter thru Eng'r Rogelio Lim at Vice President for Legal affairs of UP Diliman Atty. Danny Uy.