Kasado na ang ipatutupad na “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018” ng Department of Transportation (DOTr) bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga uuwi sa mga lalawigan dahil sa Pasko.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, iiral ang naturang kampanya mula Disyembre 10, 2018 hanggang sa Enero 5, 2019.

Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018, naka-heightened alert ang DOTr at lahat ng sectoral offices at attached agencies nito upang matiyak na maayos ang daloy ng trapiko sa mga lansangan, at tiyakin ang kaligtasan, seguridad at kaginhawahan ng mga bibiyahe sa Christmas break.

Sa memorandum na inisyu ni DOTr Assistant Secretary for Special Concerns Manuel Gonzales, ang kanilang mga attached agencies ay inaatasang magpatupad ng 24/7 operations at titiyakin ang pagkakaroon ng direktang linya ng komunikasyon sa DOTr Action Center.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

-Mary Ann Santiago