Binigyan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ng hanggang December 24 ang mga employer sa bansa upang ibigay sa kanilang mga empleyado ang 13th month pay ng mga ito kung ayaw nilang maparusahan.
Sinabi ng kalihim na ang mga employer na mabibigong magkaloob ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado bago ang Disyembre 24 ay maaring pagmultahin, o ipasara ang kanilang negosyo.
Aniya, kapag matigas ang ulo ng negosyante ay ipinasasara ng DoLE ang kumpanya nito at inuutusang bayaran ang penalty.
Nilinaw ni Bello, ang gobyerno ay nagbibigay din ng konsiderasyon sa mga may negosyo na hindi makapagbigay ng 13th month cash sa kanilang empleyado bago mag-Disyembre 24, basta’t ipakita nila na pumapayag sila na ibigay iyon sa mga susunod na araw.
-Mina Navarro