Muling binuksan kahapon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bagong kumpuni, pinatibay at pinalapad na Otis Bridge sa P.M. Guazon Street sa Paco, Maynila.
“We are glad that we were able to finish the replacement of Otis Bridge within five months and ahead of schedule. This will be another Christmas gift to our motorists, specifically in this area of Manila,” pahayag ni DPWH Secretary Mark Villar.
Matatandaan na kinumpuni ang 50-anyos na tulay makaraang bahagya itong bumagsak noong Hunyo 2018.
Itinakdang tapusin ang P33.58-milyon proyekto sa Pebrero 2019, ngunit ginawan ng paraan na maisaayos ang tulay bago ang Pasko.
“The newly-reconstructed Otis Bridge has been widened from four lanes to six lanes. Its maximum allowable weight was also increased from 15 tons to 20 tons to accommodate more motorists in the area,” ani Villar.
Ang 23-linear meter Otis Bridge na may 172-linear meter approach road sa magkabilang panig ay makakatulong maibsan ang trapiko sa Osmeña Highway, Quirino Avenue, at United Nations Avenue.
-Mina Navarro