Laro Ngayon

(MOA Arena)

7:00 n.g. -- Magnolia vs Alaska

MAKALIPAS ang dalawang linggong break, magsisimula na ang bakbakan ng Magnolia at Alaska ngayong gabi para sa best-of-seven Finals ng 2018 PBA Governors Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ganap na ika-7:00 ang simula ng Game 1 ng tapatang Hotshots at Aces para sa korona ng season ending conference.

Sinasabing hindi nagkakalayo sa istilo ng kanilang laro, inaasahan na ang matinding bakbakan sa pagitan ng dalawang koponan na pangungunahan ng kani-kanilang mahuhusay at impresibong imports na sina Romeo Travis ng Hotshots at Mike Harris ng Aces.

“Wala akong nakikitang advantage namin, pero wala rin naman akong nakikitang disadvantage. Pero siyempre positive kami na kaya namin kunin ang championship,” pahayag ni Magnolia coach Chito Victolero.

“I have no idea (on how would the series go). What do I know? I expect a great series. About the player matchup, alam natin lahat magaling si Paul (Lee), si Jio (Jalalon), si Mark (Barroca), si Ian (Sangalang), si PJ (Simon) at si Romeo Travis. But how they’re playing as a team is the bigger issue,” ayon naman kay Alaska coach Compton.

“I love how they play offensively and defensively. Ibig sabihin nyan I would hate watching the tape to review their game. I expect a great series,”aniya.

Bukod kina Travis at Harris, aantabayanan din ang magiging tapatan ng kanilang mga playmakers na syang nagsisilbing extension sa loob ng court ng kanilang mga mentors partikular sa eksekyusyon ng kani-kanilang gameplan.

Hindi maitatangging malaking bahagi ng kanilang pag-usad sa kampeonato ang epektibong pressing defense at ang madulas na opensa ng kani-kanilang backcourts.

Kaya naman, kung paano ang gagawing diskarte nina Paul Lee, Mark Barroca, Jio Jalalon, PJ Simon at Justine Melton para sa Hotshots gayundin naman nina Chris Banchero, JV Casio, Simon Enciso at Ping Exciminiano para sa Aces ang aabangan ng kanilang mga fans at supporters.

“Pareho kami ng style ng laro, parehong madepensa, so siguradong magandang series ito,” ayon kay Lee.

Para naman sa kanilang mga katunggali, ito ang dahilan kung bakit sila nagpapakahirap -ang pumasok sa kampeonato at manalo kaya’t gagawin nila ang nararapat upang magwagi.

“That is why we play for, to win the championship.We will give our best to help our team win,” ayon naman kay Banchero.

-Marivic Awitan