Dear Manay Gina,

Ako po ay magkukuwarenta anyos na at dalaga pa rin. Nagkaroon naman ako ng seryosong relasyon noon, pero wala

Pilipino pong humantong sa simbahan. Kaya, ako ay nag-concentrate na lamang sa trabaho at naging matagumpay naman kahit paano. Pero ngayon, sa tantiya ko po ay handa na naman akong magmahal. Pero hirap po akong makahanap ng lalaking gusto ko talaga. Parang tumaas na rin kasi ang pamantayan ko sa lalaki.

Sa paglipas ng panahon, nararamdaman kong siguro, malabo na ngang makatagpo ako ng tinatawag nilang true love. Ano po ang palagay n’yo sa sitwasyon ko?

--Girlie

Dear Girlie,

Kung napapansin mo, ang mga babae ngayon, ay late na kung mag-asawa. Kasi, marami na tayong pagpipiliang gawin sa ating buhay. Sabi mo, gusto mong makatagpo si Mr. Right. At sigurado ako, na gumagawa ka naman ng paraan para ito ay mangyari. Sa tingin ko, ay ‘yun lamang ang puwede mong gawin. Kasi, ‘pag dumating ang tamang panahon, darating at makikilala mo ang iyong prince charming. Pero habang wala pa siya, sulitin mo ang buhay mo bilang dalaga.

You’re a single woman in the prime of life. Ito ang panahon para magawa mo ang lahat ng gusto mong gawin sa iyong buhay. Hindi natin alam kung ano ang bukas, pero habang abala ka sa pagpapakasaya bilang dalaga, baka isang araw, matuklasan mo, na hindi mo pala kailangan ang isang “perfect man” para makumpleto ang iyong buhay.

Alam mo, ang pakikipag-date ay dapat na masaya at exciting. Kaya, relaks ka lang and leave the timing to fate.

Nagmamahal,

Manay Gina

“You attract people by the qualities you display. You keep them by the qualities you possess.”—Anonymous

______________________________________________________

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia