KAPWA nakuha nina IBF No. 1 Mark Anthony Barriga ng Pilipinas at IBF No. 3 Carlos Licona ng Mexico ang timbang kaya tuloy na tuloy ang kanilang laban ngayon para sa bakanteng IBF minimumweight title sa Staples Cemter, Los Angeles, California sa United States.

Magsisilbing undercard ang sagupaan nina Barriga at Licona sa sagupaan ng mga walang talong sina WBC heavyweight champion Deontay Wilder ng US at dating undisputed heavyweight titlist Tyson Fury ng United Kingdom.

Ito ang unang pagkakataon na magsasama sa isang card ang sagupaan ng pinakamabigat na mga boksingerong sina Wilder at Fury at pinakamagaang na boxers sa katauhan ng kapwa undefeated na sina Barriga at Licona.

May rekord si Barriga na perpektong 9 na panalo, 1 lamang sa knockout habang may kartada si Licona na 13 panalo, 2 lamang sa knockouts at pambungad ang kanilang sagupaan sa Showtime pay-per-view kaya malaking media mileage ang matatamo ng magkakampeon.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa isa pang pay-per-view bout, ipagtatanggol ng walang talong si IBF, WBA at IBO super welterweight champion Jarred Hurd ng US ang kanyang mga titulo kay Briton Jason Welborn.

May rekord si Hurd na perpektong 22 panalo, 15 sa pamamagitan ng knockouts samantalang may kartada ang kasalukuyang British middleweight champion na si Welborn na 24 panalo, 6 talo na may 7 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña