SA layuning maisakatuparan ang paglinang sa grassroots, dinayo ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Bohol para sa kauna unahang PSC-Invitational Basketball Games.
Mahigit sa 400 na mga batang basketbolista ang inaasahang lalahok buhat sa 47 municipalities ng nasabing lalalawigan sa pamamgitan ng magkakahiwalay na labanan sa gymnasium ng Holy Name University, Dao Basketball Gym, San Isidro Basketball Gym at ng Tiptip Basketball Gym.
Dinaluhan ni Philippine Sports Institute Deputy Director for Grassroots na si Marlon Malbog ang opening ceremonies na ginanap kahapon kasama ang dating Cabinet Secretary na si Leoncio “Jun” Evasco Jr. na ginanap sa Holy Name University Basketball Gym sa Tagbilaran City.
“This project is one of the methods the PSC is using in searching future athletes that will represent the country, and also provide sports for the grassroots level,” ani Malbog.
“We Filipinos love the game of basketball. We thank the PSC for using basketball to promote the well-being of our youth here in the province,” aniya.
Mga kabataang may edad 18-24 ang mapapanood sa nasabing labanan ngayon na magakaroon ng Championship round sa Lingo, Disyembre 2.
Inaasahan din ang pagdalo ni PBA Legend at PSC commissioner El Presidente na si Ramon Fernandez sa laro ngayong araw na ito.
-Annie Abad