MUKHANG nabitin sina JM de Guzman at Arci Muñoz sa tambalan nila sa pelikulang Last Fool Show na kinunan sa Boracay Island, sa direksyon ni Eduardo Roy.

Arci at JM copy

Itinuloy na rin kasi nina JM at Arci sa teleserye ang tambalan nila na may working title na #ProjectKapalaran mula sa unit ni Direk Ruel S. Bayani na ipalalabas sa Pebrero 2019.

Matagal nang magkaibigan at parehong nag-aral sa UP (University of the Philippines) ang dalawa, at parehong wala pang pera ang dalawa noon.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Nag-post si JM ng larawan nila ni Arci sa kanyang IG account at caption niya, “Papssss. @ramonathornes akalain mong wala pa tayong pang UP Ikot nun. Ngayon may pelikula at soap tayo. o edi wow. rakenrol. #LastFoolShow#Project Kapalaran.”

Sa panayam kay JM ng Push.com, sinabi niya: “Dati nagtatrabaho kami as staff, behind the stage. Kami ang mga utusan ng mga direktor para ayusin ang stage sa mga play sa UP. “Sobrang dali, ang sarap niyang kalaro sa set. As in ‘pag nasa set na kami, para lang kaming naglalaro. ‘Yung wall kasi wala na eh.”

Kuwento naman ni Arci, “It’s not really work with him, it’s more of like a bonding. Kasi siguro matagal din siyang nawala. Ako talaga, I’m here to support everything and anything na gusto niyang gawin. He’s like a brother (to me), so I’m here to support him all the way.”

In fairness, bagay ang dalawa dahil nakita na namin silang magbiruan sa block screening ng Kung Paano Siya Nawala na pelikula nina JM at Rhian Ramos, sa Vertis North kamakailan.

“Nandito ako to support JM, bro ko ‘yan, eh,” masayang sabi ni Arci that time na kasama pa ang Chinese businessman boyfriend niyang akala namin ay si Lee Min Ho, na tawag rin pala rito ng ng mga kaibigan ng aktres.

Going back to #ProjectKapalaran, hindi pa alam kung anong programa ang papalitan nito na magtatapos sa Pebrero 2019.

-Reggee Bonoan