Mga Laro Bukas

(Filoil Flying V Center)

8:30 am EAC vs.Perpetual (jrs/men/women)

2:00 pm Lyceum vs.JRU (women/men/jrs)

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

WINALIS ng San Beda University ang nakatunggaling Mapua University sa men’s at women’s divisions kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 Volleyball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Inangkin ng Lady Red Spikers ang kanilang ikalawang sunod na panalo para sa pansamantalang pamumuno makaraang gapiin sa straight sets ang Lady Cardinals, 30-28, 25-18, 25-14.

Nauna rito pinahirapan naman ng husto ng Cardinals ang Red Lions bago sila yumukod sa loob mg limang sets, 25-20, 19-25, 20-25, 25-22, 15-5 kasunod ng four sets win ng Red Cubs kontra Red Robins,25-17, 22-25, 25-20, 25-13.

Kapwa nagtala ng tig-14 puntos sina Nieza Viray at Satriani Espiritu habang nagdagdag ng 13 puntos si Cesca Racraquin upang pamunuan ang kanilang ikalawang dikit nilang panalo.

Wala naman kahit isa na tumapos na may double digit para sa Mapua na pinangunahan ni Angela Magundadayao na may 9 na puntos.

Nagposte naman ng 23 puntos si Jeffrey Losa upang pangunahan ang Red Lions sa paggapi sa Cardinals para sa ikalawang dikit nilang panalo.

-Marivic Awitan