FREDERICKSBURG, Texas (AP) — Bumagsak sa isang parking lot ang isang privately-owned vintage World War II Mustang fighter na nakilahok sa isang flyover para sa museum event sa Texas, kung saan nasawi ang piloto at isang pasahero nito.

Kinumpirma ni Texas Department of Public Safety Sgt. Orlando Moreno na dalawang taong sakay ng eroplano ang namatay habang wasak din ang ilang sasakyang nabagsakan ng eroplano.

Galing umano ang P-51D Mustang fighter sa pagtatanghal sa isang living history show sa National Museum of the Pacific War. Taong 1940 pa binuo ang Mustang na ginamit ng US Army noong World War II at Korean War.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'