CONGRATULATIONS kay Maymay Entrata, dahil inimbita siyang dumalo sa casting call para sa Arab Fashion Week sa Dubai this month.

Ibinalita ng ABS-CBN News na galing sa AMATO Couture ng Filipino designer na si Furne One ang imbitasyon kay Maymay.

Kapag natanggap sa casting call, si Maymay ang first Filipina celebrity na rarampa sa prestigious Arab Fashion Week.

Matatandaang inimbita rin ni Rajo Laurel si Maymay to walk the runway sa fashion show ni Rajo sa November 23. Isa lang si Rajo sa mga nakakita ng malaking potential ni Maymay na maging sikat na fashion model.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa interview ng ABS-CBN, inamin ni Maymay na pinangarap niyang maging model at dahil walang training, willing siyang sumailalim sa training.

-NITZ MIRALLES