Talamak na umano ang ilegal na droga sa Boracay Island bago pa ito isailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.
Ito ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte nang magtalumpati ito Manoc-manoc covered court sa nasabing lugar, kasabay ng pamamahagi ng Certificate of land Ownership Award (CLOA) sa mga residenteng kabilang sa Ati tribe, kamakalawa ng gabi.
Ang paglaganap umano ng droga sa isla ay isa sa mga dahilan ng krimen, lalo na at libu-libong katao ang pumapasok sa Boracay bawat araw.
Kaugnay nito, tiniyak ng Pangulo na magiging malinis ang isla droga, katulad ng isinagawang paglilinis sa tubig nito sa loob ng anim na buwan.
Hindi naman nakaligtas sa talumpati ng Pangulo sina dating Iloilo Mayor Jed Mabilog, napatay na Dipolog police Col. Salvador Rapiz at Police Gen. Marcelo Garbo, Jr. dahil sa pagkakadawit umano ng mga ito sa ilegal na droga sa Visayas region.
-Beth Camia