NATATANDAAN pa ba ninyo ang former child actor na si Makisig Morales? Ikakasal na next year ang bida ng Super Inggo, na ilang taon ding nanirahan sa Australia, dahil nandoon ang kanyang buong pamilya.

Nicole at Makisig copy

Kamakailan lang ay nag-propose si Makisig sa kanyang Fil-Australian girlfriend na si Nicole Watts Joson sa isang restaurant sa Sydney, Australia. Si Nicole ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Earth 2017, at naging finalist sa New South Wales State for Miss World Australia.

June of next year planong magpakasal ng dalawa.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa Disyembre ay 25 years old na si Makisig, na nagsabing bagamat hindi niya priority ang pag-arte sa ngayon, hindi naman niya ito tatalikuran.

Napanood si Makisig sa katatapos na action fantaserye ng ABS-CBN na Bagani.

-Remy Umerez