MAPAPANOOD bukas, Nobyembre 4, ang grand coronation night ng prestihiyosong Miss Earth 2018 sa GMA Sunday Night Box Office (SNBO).

Magtitipun-tipon ang 87 kandidata mula sa iba’t ibang parte ng mundo at maglalaban-laban para sa korona at titulong Miss Earth 2018. Ang mananalong kandidata aymagsisilbing role model na nakatuon sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang coronation night ay gaganapin sa Mall of Asia Arena ngayong Sabado, na pangungunahan ng road-safety advocate na si James Deakin bilang host. May special performance rin mula sa international R&B at Soul icon na si Brian McKnight.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-18 taon ng Miss Earth, siguradong mamamangha ang audience sa ganda ng Greek and Norse mythology-inspired stage design na gawa mula sa environment-friendly recyclable materials.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Sino sa mga kandidata ang magniningning at kokoronahan bilang Miss Earth 2018?

Panoorin ang telecast ng Miss Earth 2018 grand coronation night bukas, 10:30pm, sa SNBO.