UMALIS nitong Huwebes country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa para sumabak sa World Cadets Chess Championships (Under-12 girls division).
May kabuuang 106 players mula 53 bansa ang makikipagtagisan ng talino mula Nobyembre 3-16 na gaganapin sa Santiago de Compostela, Galicia, Spain.
Bukod sa gold medal,may outright Woman Fide Master (WFM) at Woman International Master (WIM) norm ang mapapanalunan ng magkakampeon ayon kay Roberto Racasa, ama at coach ni Antonella Berthe na sinamahan ang kanyang anak.
“I’m looking forward for a top-10 finish (Antonella Berthe) at the the tough and prestigious World Cadets Chess Championships in Spain. “ sabi ni Roberto na isa ding International Memory champion na founder ng Memory Sports sa Pilipinas.
Itinataguyod ang pagsabak ng batang Mandaluyong City at No.80 seed sa torneo ng Philippine Sports Commission, National Chess Federation of the Philippines, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, councilor Charisse Marie Abalos-Vargas, Herminio “Hermie” Esguerra of Herma Group of Companies, sportsman Reli de Leon, Rotary Club of Pasig thru Eng’r Rogelio Lim, Dr. Jess Acantillado at ni Philippine Executive Chess Association (PECA) President lawyer Cliburn Anthony A. Orbe.
“I hope to do well in this event and gain some ELO rating points,” pahayag ng 11-anyos Grade 5 pupil ng Home School Global na kasalukuyang may ELO rating 1342.
Si Woman Candidate Master Amina Kairbekova (1939) ng Kazakhstan ang top seed habang si Machteld Van Foreest (1934) ng Netherlands ang second seed sa FIDE tournament.
Sa 19th Asean International Age Group Chess Championships nitong Hunyo sa Davao City, nakamit ni Antonella Berthe ang outright WFM title sa kanyang pagkampeon sa Girls 12-under category para maghatid sa kanya bilang youngest Filipino Woman FIDE Master.
Nakopo niya rin ang Asean Chess Master title (International Age Group Chess Championships sa Kuantan Malaysia) sa edad na sampu at ang National Age Group Girls Under 10 Champion na ginanap sa Cebu City sa edad na siyam.