PAHINGA pala muna sa teleserye si Alessandra de Rossi dahil mas gusto muna niyang mag-concentrate sa pelikula. Nag-e-enjoy kasi ang aktres sa pagsusulat ng script, tulad nitong upcoming movie nila ni Paolo Contis na Through Night & Day mula sa Viva Films at Octoarts Films.

Alessandra copy

Ayon kay Alessandra, hindi niya natapos sulatin ang script dahil abala siya sa tapings ng Since I Found You kasama naman sina Piolo Pascual, Empoy Marquez, at Arci Muñoz mula sa Dreamscape Entertainment.

Kaya ipinatapos niya ang script sa kaibigan niyang si Noreen Capili na scriptwriter ng mga programa sa ABS-CBN at may akda ng mga librong The Goodbye Girl at Parang Kayo Pero Hindi.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Ayon pa sa aktres, excited siya sa teleserye nila nina Piolo dahil nu’ng i-offer ito sa kanya ay sinabing siya ang magiging leading lady, pero kalaunan ay naging tagaabot ng kape ni Piolo ang papel niya.

“Leading lady talaga (ako), kilala n’yo naman ako ever since, bago ‘yun, two years akong walang show dahil lahat tinatanggihan ko, lahat ayaw ko ‘yung role.

“Finally, may role na gusto ko kasi leading lady (sa teleserye) ako, [sabi ko sa sarili ko] ‘bago ‘to ah, try nga natin’. ‘Yun, naging tagaabot ako ng kape saka papel kay Papa P (Piolo), so masaya naman ako na natapos na ‘yung show,” kuwento ng aktres.

Kaya naman nagtampo siya sa naging papel niya sa SIFY.

“Gustung-gusto ko na kasing gawin ito (Through Night & Day), hindi ko nga nasulat ‘to, ‘di ba dahil nga busy ako doon (SIFY).

“I don’t know kung ano ‘yung nakarating na tampo and all, but hindi ‘yun ang in-offer sa akin na role, kung alam ko na mag-aabot lang ako ng kape, ginawa ko na ito (pelikula).

“Hindi ko alam kung paano napalaki ng ibang tao, hindi ko na alam ‘yung part na ‘yun. Hindi ako um-exit frame kasi hindi naman ganu’n, hindi dapat magkaganu’n. Iba talaga ‘yung in-offer sa akin na role, knowing me na very, very picky sa projects, sobra kahit magutom ako hindi ko gagawin kapag ayaw ko. Asan ‘yung in-offer? Wala yata rito (script),” diin ulit ni Alessandra.

Ipinaalam ba sa kanya ng Dreamscape kung bakit nabago ang role niya na from leading lady ay naging tagaabot siya ng kape?

“Tapos na nu’ng sinabi sa akin, three weeks to go na lang. So kung sinuman nagsulat (ng script) nun, sana malinawan ka na. Kasi medyo na-hurt ako sa sinabing sana magbago ang attitude ko kasi may attitude ako na parang tipong umasa ako. Pinaasa talaga ako. Ha, ha, ha, ha. Ganun po ‘yung pakiramdam na akala mo kayo, pero magiging friends lang pala kayo, ‘yung ganun?

“Ako naman talaga walang isyu, as in, wala naman talagang isyu sa akin. Gusto ko na kasing gawin ito (pelikula) as in September pa lang naghihintay na ito, tapos August nila in-offer (SIFY). The following year nila sinabing hindi mangyayari, so one year ‘yung (nasayang). Alam ni Papa P, sabi nga niya, ‘professional tayo wala namang isyu ro’n’,” katwiran pa ng dalaga.

Going back to Through Night & Day, ipinagmamalaki ito ni Alessandra dahil maganda ang kuwento at bagay ito sa leading man niyang si Paolo, dahil ang aktor talaga ang nasa utak niyang gaganap ng karakter habang isinisulat niya ang script.

“Kasi sa kuwento, 20 years nang magkaibigan sina Ben (Paolo) at Jen (Alessandra) tapos 13 years silang naging magkarelasyon, so dapat kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.

“So si Paolo nga kasi matagal na kaming magkaibigan, mga bata pa kami sa ABS-CBN, kasi schoolmate kami sa Distance Learning Center (DLC). Tapos nung nag-GMA, ilang beses kaming nagkasama sa show, tapos may movie rin kami, so kumbaga sobrang kilala na,” pahayag ni Alex.

Hindi ba siya nagkagusto kay Paolo noong mga bagets pa sila?“Hindi, kasi feeling ko kadugo ko siya, since pareho kaming Italyano,” say ng dalaga.

Natanong namin kung paano niya ikukumpara sina Paolo at Empoy na parehong komedyante.

“Comparison, si Empoy very conservative, si Paolo, ‘Paolo naman, ‘yung mga lumalabas sa bibig mo’. Iba talaga ‘yung humor niya. Nakakatawa siya ‘pag ibang tao ang nagsabi no’n, baka ma-offend ka but since si Paolo ‘yun, ‘nakakatawa ka, buti na lang hindi ako nababastos.’

“Ganu’n siya talaga, ganun ang humor niya, hindi ako napipikon kasi alam kong joke lang. Hindi naman siya bastos na tao talaga. Ako rin kaya kong mag-joke ng bastos minsan, pero kailangang kilalang-kilala ng mga tao ‘yung heart and soul ko bago ako mag-joke nang ganun. Just for laughs, ganun,” tumatawang sabi ng aktres.

Sinubukan naming kumustahin ang love life ni Alessandra pero tinitigan lang niya kami at sabay senyas na itigil na namin ang pagtatanong.

Mapapanood na ang Through Night & Day sa Nobyembre 14, handog ng Viva Films at Octo Arts Films, mula sa direksiyon ni Ronnie Velasco.

-REGGEE BONOAN