KUMPIYANSA ang iba’t ibang cycling club at organizers na mabubuksan ang kaisipan ng mga opisyal ng pamahalaan na bigyan ng pansin at pangalagaan ang matagal nang hinihiling sa ‘public cycling lane’ sa Kamaynilaan.

PINATUNAYAN ng mga cycling enthusiast na mas magiging masaya ang biking kung may ligtas na cycling lane

PINATUNAYAN ng mga cycling enthusiast na mas magiging masaya ang
biking kung may ligtas na cycling lane

Ang matagumpay na Go for Gold Larga Pilipinas EDSA-C-5 Blitz Races - na nilahukan ng may 10,000 siklista – mula sa sektor ng kababaihan, kabataan at senior citizens – ay sapat na para tuluyang mabigyan ng pansin ang lokal at National government ang pangangailangan ng sambayanan ng ligtas na cycling lane sa mga kalsadahan.

Ayon kay Larga Pilipinas media bureau head Snow Badua, ang mabigyan ng apat na atensyon ang adhikain ng organisasyon nang kanilang ilarga ang cycling event sa kahabaan ng EDSA at C5 – dalawang higanteng high-way sa bansa na nagsisilbing sementeryo sa maraming cycling rider.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“When we held the race, may iba natakot, may iba kinabahan lalong lalo na yung mga hindi kasali,” pahayag ni Badua.

“But worry not, kasi well-coordinated po ‘yan sa MMDA, HPG at kahit sa PNP. The reason why natakot ang iba with the mere sight of seeing bikers in EDSA is because hindi tayo sanay na may mga nagba bike sa EDSA at yan ang isa sa kulang sa ating bansa,” aniya.

Sa lumalalang suliranin sa trapiko at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasoline, isa ang cycling sa alternatibong paraan upang magamit na paraan ng transportatsyon ng masang Pinoy.

Ngunit, pakikipagsapalaran para sa mga siklista at riders ang mga kalasada sa Kamaynilaan.

“Dapat may ganyan na tayo. Yung cycling kasi now is becoming a way of life, hindi na siya hobby ngayon. A lot of people are buying bikes because they see its usefulness. Even yung bike stores, dumadami, because of the demand,” pahayag ni Gil Bugaoisan, beteranong cycling enthusiast.

“The number of people in the so-called ‘bike to work’ sector is rapidly increasing because of the terrible traffic problem not to mention the high cost of fuel and besides conscious na rin sa health yung karamihan,” aniya.

Matatandaang ilang batas na rin ang ipinasa ng Kongreso hingil sa bike lanes, ngunit sa kasawiang-palad hindi ito naisabatas.

“But how come they can do it in Marikina and Iloilo, why can’t we do it here in Manila?” sambit ni Badua.

Kabilang ang prominenteng legal counsel na si Atty Raymond Fortun, moderator ng Pinoy oad Bikers Inc. cycling group sa Facebook, ang nagpahayag at nagsusulong sa pagpapalaganap ng kaalaman hingil sa buting maidudulot ng cycling lane.

“People would be encouraged to ride bicycles in going to work if bicycle lanes exist even along secondary roads,” pahayag ni Fortun.

“What people do not realize is that this (bicycles) would reduce the amount of vehicles on the road, which would have immediate effects--- lesser traffic and lesser air pollution,” aniya.

Iginiit naman ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na kaagapay ang lungsod sa panawagan para sa paglalagay ng cycling lane. Sa buong Metro Manila, ang Marikina lamang ay kasalukuyang nagpapatupad ng cycling lane.

“Booming ang cycling dito sa amin because we encourage everyone to use their bikes. Pag may mga awards kami sa city hall, sa mga employees namin, usually bike ang ipinamimigay namin,” sambit ni Teodoro.

“Apart from the physical and health benefits, may nakikita rin kaming physiological effect ang pagba-bike sa katauhan ng tao. Mas nagiging pasensyoso, mas nagiging disiplinado,” aniya.

Minsan na ring naglagay ng bike lanes sa EDSA ang Metro Manila Development Authority (MMDA), ngunit nabura na ito sa alaala ng sambayanan matapos pamahayan ng mga sidewalk vendors.