Ni ANGELLI CATAN

BUKOD sa Pasko, isa sa mga inaabangan tuwing sasapit ang “ber months” ay ang Halloween. Naging bahagi na sa ating mga Pilipino ang pagdiriwang ng Halloween tulad ng Pasko, kung kailan naglalaan tayo ng oras upang isipin ang susuoting costume o gagawing nakakatakot para lamang sa okasyong ito. Kada taon ay may nauusong mga bagong gimik tuwing Halloween, mula sa mga susuoting make-up at costume hanggang sa mga kakaiba at nakakatakot na events at lugar na puwedeng pasyalan, pati pagkain ay hindi magpapahuli sa Halloween theme.

Narito ang ilang Halloween events na pupuwedeng puntahan ngayong linggo na siguradong mae-enjoy hindi lang ng matatanda kung hindi ng mga bata rin.

-  Scare-tacular Affair (Oktubre 26-Nobyembre 4)

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

hw-okada

A “Nightmare in Okada Street”, na itinakda ng Oktubre 26-Nobyembre 4 ay mayroong virtual reality (VR) experience kung saan makakapili ka ng iyong sariling adventure (Freaky Zombies/Scary Mummy/Creepy Pumpkins) habang nasa loob ng Okada. Upang ma-enjoy ang experience na ito ay kailangan mo lamang magpakita ng resibo mula sa kahit anong tindahan sa loob ng Okada, Manila na nagkakahalaga ng P1,000.

-  Breakout PH: 6 (hanggang Nobyembre 30)

hw-breakout

Kung mahilig ka sa horror at mystery ay sakto sa iyo ang lugar na ito. Mula sa sikat na escape/mystery game room na “Breakout” ay naghanda sila ng panibago at mas nakakatakot na experience para sa mga mahilig sa nakakakilabot na adventure. Anim na tao ang maximum na pupuwedeng sumalang sa game at tulad ng dati ay kailangan nilang malagpasan ang mga nakakatakot na pagsubok at malutas ang mystery.

- Museum of Mysteries: A Pop-Up Halloween Mystery (Oktubre 26-Nobyembre 11)

hw-mysterymnl

Tulad ng “Breakout” ay isa ring interactive game ang Mystery Manila. Naghanda sila ng dalawang activity na pupuwedeng pagpilian ng mga gustong subukan ito, ang Murder Mystery (indoor mystery) na kailangan mong malutas ang kaso at mahanap ang killer sa loob ng museum o ang Haunted Heirloom (outdoor scavenger hunt), kung saan maghahanap ka ng mga artifacts sa Eastwood City. Nagkakahalagang ng P250 per head ang “Murder Mystery” at P500 per group ang “Haunted Heirloom” na may minimum na anim na katao.

Matatagpuan ang “Mystery Manila” sa Eastwood, Ayala Malls The 30th, Century City Mall, at Jupiter St.

- Mystery Manila x Bambike Eco Tours: Intramuros Investigation (Oktubre 27-31 at Nobyembre 2)

hw-intramuros

Kung gusto mong libutin ang Intramuros ng gabi habang nakasakay sa bisikleta at may nilulutas kang mystery tulad ng isang detective, bagay ito sa iyo. Kailangan mo lamang sundin ang mga clues na makikita sa mga historical landmarks sa loob ng Intramuros. Mula 6:00pm hanggang 9:00pm ang bawat game, at nagkakahalaga ng P700 (50% discount para sa mga estudyante, ipakita lamang ang ID).

Upang makasali sa laro ay mag-book lamang sa mga Mystery Manila branches o sa Bambike Eco Tour.

Maliban sa mga Halloween activities na ito ay maaari mo pa rin ma-enjoy ang Halloween kahit nasa bahay lang, sa panonood ng mga nakakatakot na palabas, local man o Hollywood na pelikula. Puwede mo ring sabayan ito ng mga pagkaing Halloween-inspired, makaraang maglunsad din ng sari-saring tulad nito ang iba’t ibang food brands.

Puwede ring pumunta sa mga Halloween party ng mga kaibigan o ng inyong barangay o komunidad, na nakatipid ka na ay nakasama mo pa ang mga kaibigan mo.

Para sa ating mga Pilipino, bawat okasyon ay mahalaga lalo na kung sama-sama at masaya kaya kahit ang kinatatakutang Halloween ng iba ay nagiging makabuluhan at exciting na panahon para sa ating lahat. Lumabas ka man o hindi ng bahay ay siguradong may paraan upang makapag-celebrate ka ng Halloween. Tulad lamang ng Pasko, ang mahalaga ay nag-enjoy ka kasama ang iyong mga kaibigan o ang iyong pamilya.