NAITALA ng De la Salle-Zobel ang back-to-back victories nitong weekend upang makalapit sa inaasam na sweep sa 13-Under category ng 31st Women’s Basketball League (WBL) sa Xavier School gym.

Pinulbos ng DLS-Z ang St. Stephen’s High School (0-1), 84-9, nitong Sabado bago pinabagsak ang Miriam College, 52-28, nitong Linggo para makopo ang ikatlong sunod napanalo sa torneo.

Nakapanalo naman ang Miriam College sa St. Pedro Poveda College (0-2), 58-31, para sa 1-1.

Nagwagi rin ang DLS-Z’s 18-Under squad kontra Miriam College (0-2), 58-34, para manguna sa Group B (3-0).

Nanatili ring malinis ang marka ng Chiang Kai Shek College sa Group A nang pabagsakin ang University of Perpetual Help, 52-28, sa torneo na itinataguyod ng MILO at inorganisa ng BEST Center (Basketball Efficiency and Scientific Center).

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics